David.

Bakit ganun? Hanggang ngayon siya pa din yung hinahanap hanap ko? Bat noon hindi ko siya inintindi, nung mga panahong nag eeffort pa siya sa akin. At kami pa? Mahal ko pa siya at gusto kong sabihin sa kanya yon. Ang kaso may kanya kanya na kaming buhay. Naiinis ako. Naiiyak, nanghihinayang. Sa tingin ko naman masaya na siya. 

Pero nung nagkita kita kami bakit parang laging awkward? Hindi naman kasi dapat ganto yung nararamdaman ko diba? Matagal ng walang KAMI. Highschool pa kami. Graduate na kami ngayon ng college halos isang taon na. Tapos ngayon manunumbalik yung pag tingin ko sa kanya. Yung feeling na may concern ka pa din sa kanya pero di mo na maipakita dahil hindi na talaga pwede. Pero nararamdaman ko na concern pa din siya sa akin. O sadyang nag fifeeling lang ako. Kung may time machine lang ako malamang yun ang aayusin ko, kasi siya yung true love ko. Na gusto ko makasama habang buhay. Ngayon ko lang naisip ‘to kung kelan 21 na ako, at kung kelan wala na siya sa akin. Ang selfish ko. Hindi ko man lang nararamdaman dati sa fb o sa chat na parang gusto niya pa din ako. Sana ako pa din, ako pa rin yung mahal mo kahit may kanya kanya na tayong buhay. Kasi naniniwala ako na mahihintay pa kita, na handa na akong ipaglaban ka. Maraming dumaan, dumating sa akin pero IKAW pa rin pala talaga. 

I’m sorry kung ang gaga gaga ko nung mga panahon na yun. At hanggang ngayon. Ang dami ng nagbago… pero yung nararamdaman ko sayo di pa din. Sana hindi lang ako naguguluhan, dahil alam ko totoo talaga ‘tong pinagsasasabi at nararamdaman ko sayo. SANA TAYO NA LANG ULIT. Gusto ko sabihin sayo lahat. Kaso alam ko wala naman na mangyayari. Mahal mo siya, at alam kong committed na din ako sa iba. Na kahit gusto kong umayaw, ay hindi ako mapakawalan. Sana pinaglaban mo ko kung mahal mo talaga ko… pero hindi eh. Akala ko lang pala lahat, siguro nga miski 50 percent wala ka ng pagtingin sakin. Umaasa pa din ako. At kung mahal mo pa ko paglaban mo ko ngayon please.. dahil kaya na kitang ipaglaban. Nasasaktan ako tuwing kasama mo siya. Nasasaktan ako kasi mahal pa din pala kita. Hindi ko maamin amin sa sarili ko noon. Ngayon nalinawan na ako sa lahat. Sana siya ako, yung kasama mo ngayon, yung minamahal mo ngayon. 

Eto nga binabasa ko yung chat natin sa fb. Lagi mo ko kinakausap at ang kulit kulit mo pa samantalang ako, lagi kita dinededma. Tapos ngayon nag iba na, kasi siya na yung kakulitan mo. Sana ako ulit, David. Kasi kayang kaya na kita ipaglaban. Di na ko duwag tulad ng dati, kaya ko ng harapin lahat.. Kung mahal mo pa ko, ipaglaban mo din ako :(